Sunday, 6 July 2025

Security Preparations Underway for President Marcos Jr.’s 4th SONA


QUEZON CITY – Pinaplantsa na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mahigpit na seguridad para sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na gaganapin sa darating na Hulyo 28.

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Anthony Aberin ang kauna-unahang Inter-Agency Coordinating Conference na isinagawa kahapon sa Quezon City Police District (QCPD) Headquarters sa Kampo Karingal.

Layunin ng pagpupulong na tiyakin ang maayos na koordinasyon ng lahat ng law enforcement agencies at iba pang kaukulang tanggapan para sa ikatatagumpay ng seguridad sa SONA. Inilatag dito ang mga paunang plano, operational guidelines, at mga protocol para sa crowd management, traffic rerouting, intelligence monitoring, at pagtugon sa mga posibleng banta.

“Ang siguridad ng publiko at ng Pangulo ang pangunahing prayoridad natin. Inaasahan natin ang mariing kooperasyon ng bawat ahensiya para sa mapayapa at ligtas na pagdaraos ng SONA,” pahayag ni Gen. Aberin.

Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang mga support agencies.

Kabilang sa mga tinutukan sa pulong ay ang posibleng kilos-protesta mula sa iba't ibang sektor, kung kaya’t pinaghandaan na rin ang mga designated freedom parks at mga patakaran para sa mapayapang pagpapahayag ng saloobin.

Ayon sa NCRPO, inaasahang ilalatag ang final security plan sa mga susunod na linggo matapos ang mga susunod pang coordination meetings.

Ang SONA ni Pangulong Marcos Jr. ay gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. Inaasahan na rin dito ang pagdalo ng mga miyembro ng Kongreso, gabinete, diplomatic corps, at iba pang prominenteng personalidad.

No comments:

Post a Comment

Apeiron CEO Joins Global Innovators in Calgary to Advance Cross-Border Entrepreneurship

  Calgary, Canada — November 2025 — Apeiron CEO Anna Melissa “Iya” Mendoza recently participated in the global forum, International Innovato...